Plano ng MTRCB na i-regulate ang Netflix, binatikos ni VP Robredo

Sinupalpal ni Vice President Leni Robredo ang ‘hindi napapanahong’ plano ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na i-regulate ang video streaming platforms na nag-o-operate sa Pilipinas.

Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, kinuwestyon ni Robredo ang ‘sense of sensitivity’ ng MTRCB sa pag-regulate ng streaming platforms lalo na sa panahon ng pandemya.

Iginiit ni Robredo na hindi na dapat nagpapadagdag sa pahirap ang MTRCB.


Umapela si Robredo sa MTRCB na magdesisyon hinggil dito sa tamang panahon.

Inihalintulad ng Bise Presidente ang plano ng MTRCB sa hakbang naman ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na buwisan ang online sellers at pag-shut down sa ABS-CBN.

Matatandaang sinabi ni MTRCB Chief Legal Officer Jonathan Presquito na kailangang i-regulate ang mga palabas sa Netflix at iba pang kahalintulad nito dahil minamandato ito sa ilalim ng batas.

Punto ni Presquito, anumang “motion picture” materials ay kailangang i-regulate ng kanilang tanggapan.

Facebook Comments