Planong dagdag monthly contributions, sususpendihin muna ng Pag-IBIG Fund

52

Ikokonsidera ng mga opisyal ng Pag-IBIG Fund na suspendihin muna ang balak na itaas ang monthly contributions ng mga matatagal na nilang miyembro.

Ayon kay Sec. Eduardo del Rosario, Head ng Department of Human Settlements and Urban Development at 11-member ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees, tulong na rin ito sa kanilang mga miyembro sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Dahil dito, inatasan ni Del Rosario ang pamunuan ng Pag-IBIG Fund na konsultahin ang mga stakeholders para pag-usapan kung ide-delay ang January 2021 na bisa ng implementasyon ng 50 pesos na pagtaas sa monthly contribution.

Maliban sa mga stakeholders, magkakaroon din ng pag-uusap ang Pag-IBIG Fund sa mga labor unions, non-government organizations at employer groups para sa gagawing desisyon.

Facebook Comments