Planong pag-atake ng NPA sa relief operation sa Surigao Del Sur, nahadlangan ng Philippine Army; 11 NPA, patay

3613

Nasawi ang labing-isang terorista ng New People’s Army (NPA) matapos matagumpay na mapigilan ng 401st Infantry “Unite N Fight” Brigade ng 4th Infantry “Diamond” Division ng Philippine Army ang binabalak na malaking pag-atake ng NPA sa Surigao Del Sur.

Ayon kay Captain Al Anthony Pueblas, tagapagsalita ng 4th ID, nakakuha ng tip ang militar sa mga lokal na residente tungkol sa malaking pagtitipon ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) ng NPA sa Andap Valley Complex, Surigao del Sur para guluhin ang COVID-19 relief efforts ng gobyerno.


Agad na nagsagawa ng sunud-sunod na security operations ang militar na nagresulta sa pagkubkob ng malaking kampo ng NPA na makaka-accommodate ng 150 tao, kung saan 11 NPA ang napatay.

Narekober din ng tropa ang limang firearms, dalawang laptops, isang overhead projector, flash drives, external hard drives, at iba pang mahahalagang gamit ng NPA.

Sa follow-up operations ay nagkaroon ng limang magkakahiwalay na engkwentro sa mga isolated area ng Andap Valley complex, kung saan pinaniniwalaang lubhang nasugatan ang apat na top rank NPA officials na sina Myrna Sularte aka “Malaya”, the Secretary of NEMRC; Alvin Loque aka “Joaquin Jacinto”, ang Spokesperson ng Komisyon Mindanao (KOMMID); Alfie Masinatao Basa aka “Momoy”, the Vice CO ng Regional Headquarters (RHQ), NEMRC; at Lorna Pamutongan Gomez aka “Momay”, Medical Staff ng RHQ, NEMRC.

Facebook Comments