Planong panggugulo ng NPA sa kanilang anibersaryo, pinaghandaan ng PNP

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Dionardo Carlos na nakahanda ang hanay ng PNP sa anumang planong paghahasik ng karahasan ng New Peoples Army (NPA) sa kanilang anibersaryo sa Marso 29.

Matatandaang tradisyunal na nagsasagawa ng pag-atake ang NPA sa mga pulis at sundalo tuwing March 29 bilang pagpapakita nang kanilang pwersa.

Ayon sa PNP chief, mahigpit na mino-monitor ng PNP ang kilos ng NPA at nagsasagawa na ng mga hakbang para kontrahin ang anumang terrorist plot ng mga komunista.


Mahigpit din aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na kanilang katuwang sa pagpapatupad ng seguridad.

Babala naman ng PNP chief sa NPA na huwag mandamay ng mga inosenteng sibilyan sa anumang masamang binabalak nila dahil mga kapwa Pilipino ang kanilang pineperwisyo.

Facebook Comments