PLUNDER CASE | Dating PNoy, dismayado sa pagkaka-abswelto ni Revilla

312

Manila, Philippines – Dismayado si dating Pangulong Noynoy Aquino sa desisyon ng Sandiganbayan na ipawalang sala si dating Senator Bong Revilla sa kasong plunder.

Matatandaan noong nakaraang administrasyon ay sinimulang litisin at ipinakulong ang ilang mambabatas na sangkot sa ₱10 billion pork barrel scam kung saan kabilang si Revilla.

Ayon kay Aquino – tiyak na malilito ang sinumang magbabasa ng desisyon lalo at hinatulang guilty ang mga kapwa at akusado ni Revilla na sina Janet Lim Napoles at Richard Cambe.

Pero ayon sa dating presidente, masaya siya na hindi niya trabaho na ipaliwanag ang hindi maipaliwanag.

Facebook Comments