PMA CLASS 2018 | Kadeteng Ilonggo, valedictorian!

142

Manila, Philippines – Isang kadete mula sa lalawigan ng Iloilo ang nagunguna o valedictorian sa graduating class ng Philippine Military Academe Alab Tala (Alagad ng Lahing Binigkis ng Tapang at Lakas) Class of 2018. Kinilala itong si Cadet 1st Class Jaywardene Galilea Hontoria tubong Barangay Balabag, Pavia, Iloilo. Ayon kay PMA Superintendent Lt. Gen. Donato San Juan, makasaysayan ang pagiging valedictorian ni Hontoria dahil sya ay ang kaunaunahang valedictorian na Class Baron makalipas ang 67 na taon. Paliwanag niya, hindi kasi madali maging class baron at maging top graduate dahil sa dami ng responsibilidad na hawak nito. Sa bilang na 282 na mga magtatapos sa darating na araw na linggo, 207 ang lalaki habang 75 naman ang babae. Karamihan dito ay mapupunta sa Philippine Army, 71 ang sasali sa Air Force at 68 naman sa Philippine Navy. Bukod kay Hontoria kasama rin sa top 10 sina: -Ricardo Liwaden mula Gawana, Barlig, Mt. Province, salutatorian -Jun-Jay Malazzab Castro mula Amulung, Cagayan -Leonore Andrea Carino Japitan mula Butuan City -Mark Jantzen Dacillo mula Zamboanga City -Jezaira Buenaventura mula Negros Occidental -Jessie Antonio Laramang mula Tarlac -Paolo Balla Briones mula Camp Allen, Baguio City -Jayson Raymundo Cimatu mula Casiguran, Aurora Micah Quiambai Reynaldo mula Bamban, Tarlac.

Facebook Comments