PMA, tiniyak na magkakaroon ng pagbabago sa kanilang akademiya

34

Tiniyak ng Philippine Military Academy (PMA) na may ‘pagbabago’ na sa akademiya.

Ito’y kasunod ng pagkamatay dahil sa Hazing ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio Nitong Setyembre.


Pinapayuhan ni PMA Commandant, Brig/Gen. Romeo Brawner, ang mga papasok na Kadete na huwag matakot na mag-aral sa akademiya dahil maraming ipinatupad na pagbabago.

Aniya, ‘mas magandang’ PMA na ang dadatnan ng mga incoming Cadet.

Nais ni PMA Superintendent Rear Admiral Allan Cusi na mag develop ng “warriors with a heart and soul.”

Una nang idineklara ang ‘war against hazing’ sa PMA.

Facebook Comments

From Advertisers