PNA, humingi ng sorry sa maling pagkakapost ng logo sa kanilang website

75

Humingi ng paumanhin ang mga editor ng Philippine News Agency kaugnay sa pagkakamali sa isang artikulo na inilabas nila kahapon tungkol sa Department of Labor and Employment, kung saan sa halip na logo ng DOLE ang inilagay nila, ay logo ng isang kilalang brand ng canned fruits.
Sa isang article na ipinost nila sa website, humingi ng paumanhin ang mga editors ng PNA, at inako ang nagawang pagkakamali.
Anila, nangyari ang pagkakamali dahil sa kagustuhan ng kanilang staff na malakipan ng larawan ang lahat ng artikulong inilalabas sa website.
Kaugnay nito, tiniyak ng PNA na ginagawa nila ang lahat, para makapagbigay ng tamang impormsyon sa publiko.
Kagabi, umani ng batikos sa social media ang naging pagkakamali ng PNA.

Facebook Comments