PNP ARMM at ARMM Heart nakahanda na kay Basyang

34

Police Regional Office ARMM at ARMM HEART nakaalerto kontra Bagyong Basyang .

Nakahanda na ang PNP ARMM katuwang ang ARMM HEART, RDRRMC at iba pang mga ahensya sa mga posibilidad na maaring idulot ng bagyong Basyang sakaling tumama sa mga bayan na sakop ng rehiyon.

Inatasan rin ni PCSUPT GRACIANO J MIJARES Regional Director ng PRO ARMM ang mga pinuno ng Provincial Police Offices upang ideploy ang mga Search and Rescue teams ng PNP sa buong region.

Agad na rin nagpulong ang ARMM HEART para sa mga gagawin sakaling tuluyang pumasok ang bagyong si Basyang. Mas mabuti aniya ang handa para masigurong ligtas ang lahat ayon pa kay RDDMC Director Ramil Masukat.

Pinaalalahanan naman ang publiko ng mga otoridad na maghanda at mag ingat sa malakas na ulan at hangin na hatid ng bagyo.

Facebook Comments