PNP at simbahan sa Negros Province, nangakong magtutulungan para isulong ang peace and order

55

Nagkasundo ang Philippine National Police (PNP) at simbahan na magtulungan para isulong ang peace and order sa lalawigan ng Negros.

Ginawa ang kasunduan matapos ang pagbisita ni PNP Chief Pol. Gen. Debold Sinas kay Most Reverend Bishop Patricio Buzon ng Diocese of Bacolod, sa Bishop’s Palacio kahapon.


Tinalakay sa pagpupulong ang mga isyu ng PNP at simbahan kaugnay sa peacekeeping, law and order, justice at human rights.

Nagkasundo rin sina Gen. Sinas at mga lider ng simbahan sa Negros na muling mag-usap ngayong buwan na magiging parte ng regular na ugnayan ng pulis at simbahan sa rehiyon.

Facebook Comments