
Biniberipika na ng Philippine National Police (PNP) ang impormasyon kaugnay ng pagkakasangkot umano ng isang pulis sa likod ng pekeng tip patungkol sa kinaroroonan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon kay PNP-PIO Acting Chief PCol. Allen Ray Co, magbibigay ang PNP ng karagdagang impormasyon sakaling maiberipika na ang nasabing usapin.
Nabatid na pinagaaralan na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pahayag ng inaresto nitong scammer na isang pulis ang utak umano ng kanilang modus operandi dahil na rin sa access nito sa mga contact details ng matataas na opisyal ng gobyerno.
Kaugnay nito, patuloy naman ang paghahanap ng pulisya sa kinaroroonan ni Dela Rosa kung saan sinusuyod na nito ang mga posibleng puntahan ng Senador sa buong bansa.










