PNP, buo ang suporta sa bagong PNP Chief

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakatalaga kay Lieutenant General Camilo Cascolan bilang bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) simulan ngayong araw.

Ito ay kasabay ng pagreretiro sa serbisyo ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, welcome sa buong hanay ng PNP Officer Corps at rank and file ang pagtatalaga kay Lt. Gen. Cascolan para maipagpatuloy ang pagtupad sa kanilang tungkulin sa harap ng pandemya at banta ng terorismo.


Sinabi ni Banac na ang kakayahan at expertise ni Lt. Gen. Cascolan ay mas magpapatatag sa kanilang hanay para maipagpapatuloy nila ang pagpapanatili ng peace and order sa bansa at paglaban sa krimen, terorismo, iligal na droga at maging sa korapsyon.

Si Lt. Gen. Cascolan ay mistah ni Gamboa sa PMA Sinagtala Class of 1986 at nakatakdang mag-retire sa November 10, 2020.

Facebook Comments