PNP Chief Archie Francisco Gamboa, negatibo sa COVID-19

21

Negatibo rin sa COVID-19 si Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Francisco Gamboa.

Ayon kay PNP Spokesman Police Brigadier General Bernard Banac, dalawang linggo na ang nakakalipas nang lumabas ang resulta ng COVID-19 test at negatibo sa virus si PNP Chief.


Sinabi pa ni Banac na nagpapatuloy ang trabaho ng PNP Chief at mahigpit niyang sinusunod ang physical distancing at disinfection sa kaniyang mga tauhan at sasakyan sa pagpasok sa Camp Crame.

Hindi rin daw nagkaroon ng meeting si PNP Chief kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nagpositibo sa COVID-19.

Matatandaang maliban kay Secretary Año, isa-isang nag-self quarantine ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Disease (IATF-EID) matapos makasalamuha ang mga personalidad na una nang nagpositibo rin sa COVID-19.

Facebook Comments