PNP Chief Archie Gamboa, pinabulaanan ang kumakalat na impormasyong nagsagawa ng party sa Baguio City sa kabila na may COVID-19 pandemic

Nililinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Gamboa na hindi sila nag-“party” sa Baguio City.

Ito ay matapos na kumalat sa social media ang impormasyong umano’y nagkaroon ng party sina PNP Chief Gamboa at mga kasama nito na paglabag sa umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Gamboa, totoong tumungo sila sa Baguio City pero wala aniyang nangyaring party sa halip ay isang simpleng hapunan.


Pinairal aniya nila ang social distancing at isa-isa ang serving ng pagkain at nanatili sila sa CPNP Cottage sa Navy Base sa Baguio City.

Sinabi pa ni Gamboa, alam din ni Baguio City Mayor Benjie Magalong ang kanilang pagdating at kanilang aktibidad sa syudad.

Giit ni Gamboa, sumunod sila sa ipinatutupad na quarantine protocols ng Baguio City.

Samantala, ayon naman kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, pumunta sina Gamboa sa Baguio City para alamin ang peace and order situation ng lungsod.

Facebook Comments