PNP Chief Azurin, nagtalaga ng OIC kasabay nang pagbisita nito sa India

Nasa India si Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., para dumalo sa International Police Organization Conference sa India.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Red Maranan ang INTERPOL ay taunang pulong ng mga lider ng law enforcement units ng iba’t ibang mga bansa.

Dito tinatalakay ang transnational crimes at nagkakaroon din ng sharing sa best practices sa pagsugpo ng krimen.


Ngayong taon, October 18 hanggang October 21 gagawin ang INTERPOL sa India.

Samantala, itinalaga bilang Officer-in-Charge ng PNP si Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia epektibo kahapon.

Sabay na gagampanan ni Sermonia ang kaniyang tungkulin bilang acting Deputy Chief for Administration at OIC PNP Chief.

Facebook Comments