PNP Chief Debold Sinas, personal na nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng flight attendant na natagpuang patay sa Makati City

Tumungo si Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas sa lungsod ng San Juan para personal na magpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng nasawing flight Attendant na si Christine Angelica Dacera na pinatay at pinaniniwalaang hinalay sa isang hotel sa Makati.

Bukod sa pakikiramay sa pamilya, nagbigay rin ng update si PNP Chief sa kaso ng pagpatay kay Dacera.

Una nang sinabi ng PNP na case solve na ang kaso ni Dacera matapos maaresto ang tatlong suspek.


Kinontra naman ito ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at sinabing hindi pa ito case solve dahil marami pa ang at large.

Nagbigay rin ang PNP ng 72 oras o tatlong araw na ultimatum sa iba pang mga suspek na sumuko na.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa krimen.

Facebook Comments