PNP Chief Dela Rosa, walang nakikitang pananagutan ang kapulisan hinggil sa ginawang pag-okupa ng Kadamay sa pabahay ng gobyerno sa Bulacan

17

Manila, Philippines – Walang nakikitang pananagutan si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa hinggil sa ginawang pag-okupa ng mga miyembro ng Kadamay sa mga pabahay ng gobyerno sa Pandi, Bulacan.

 

Paliwanag ni Dela Rosa, wala namang utos ang korte na kumilos ang mga pulis na hindi ginawan ng aksyon ng PNP.

 

Hindi naman aniya mandato ng PNP na bantayan sa lahat ng oras ang mga pabahay sa Pandi, Bulacan para hindi mapasok nang sinuman.

 

Giit pa nito, magkakaroon lang ng pananagutan ang PNP kung inutos ng korte ang pagbabantay sa lugar at hindi sila sumunod.

 

Matatatandaang nitong nakalipas na Linggo, libo-libong miyembro ng Kadamay ang umukopa sa mga pabahay ng gobyerno sa Pandi, Bulacan na hindi naman sila ang mga totoong benepisyaryo.

Facebook Comments