PNP Chief Dir. Ronald Dela Rosa – naging emosyunal kasunod ng paglalahad ng sitwasyon ng mga sugatang pulis sa Marawi City, mga police scalawags – pinag-aaralang i-deploy sa tinaguriang war zone

Manila, Philippines – Naging emosyonal si Philippine National Police Chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela rosa matapos nitong alalahanin ang hirap na dinanas ng kanyang mga tauhan sa pakikipaglaban sa teroristang Maute sa Marawi City.

Sa flag ceremony sa crame, emosyonal na ikinuwento ni Dela Rosa ang sitwasyon ng mga sugatang pulis kung saan personal na hiniling ng mga ito na huwag pabayaan ang kanilang pamilya.

Ayon sa heneral – kung maaari lamang na makipagpalit siya ng sitwasyon upang masamahan sa pakikipaglaban ang kanyang mga tauhan ay gagawin nito.


Bunsod nito, plano ng Chief PNP na ipadala sa Marawi City ang mga police scalawags para tumulong sa isinasagawang operasyon laban sa teroristang Maute.

DZXL558

Facebook Comments