PNP Chief General Debold Sinas nagbigay ng 72 oras para sumuko ang mga suspek sa pagpatay at panggagahasa sa flight attendant sa Makati

474

Nagbigay si Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas ng ultimatum na 72 oras, para sumuko ang iba pang mga suspek sa pagpatay at panggahasa sa flight attendant na si Christine Angelica Dacera 23 anyos sa Makati City.

Ayon kay PNP Chief, kinakailangan nang sumuko ang mga suspek bago matapos ang 72 na oras dahil kung hindi ay gagamit na sila ng pwersa para sila tugisin.


Mensahe pa ni Sinas sa mga suspek, tukoy na ang pagkakakilanlan ng mga ito, kaya mas mabuting isuko na sila ng kanilang mga pamilya.

Una nang naaresto ng mga tauhan ng Makati City Police Office ang tatlong suspek na sina John Pascual Dela Serna III, 27 anyos, Rommel Daluro Galido, 29 anyos at John Paul Reyes Halili, 25 anyos.

Tiniyak ng pamunuan ng PNP sa pamilya ni Christine Dacera na mabibigyang hustisya ang pagkamatay nito.

Facebook Comments