PNP Chief Guillermo Eleazar, bumisita sa lamay ng lola na pinatay ng isang lasing na pulis sa Quezon City

233

Dinalaw mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar ang burol ng lolang pinatay ng isang lasing na pulis sa Quezon City.

Dito ay kinausap ni Eleazar ang naiwang pamilya ng biktimang si Lilybeth Valdez kung saan tiniyak din ng hepe ng PNP na makukulong si Police Master Sgt. Hensie Zinampan.


Nabatid na si Valdez ang nagsisilbing bread winner ng pamilya at maraming trabaho na rin ang pinasok nito kabilang ang pagbabasura para lamang kumita.

Samantala, bukod kay Eleazar, nagtungo rin si Quezon City Police District Brig. Gen. Antonio Yarra sa burol ng biktima.

Facebook Comments