
Pinabubuwag na ang lahat ng private armed groups (PAGs) at potential private armed groups pagsapit ng Marso.
Ito ang direktiba ni Philippine National Police o PNP Chief PGen. Rommel Marbil sa Regional Directors kasunod ng nalalapit na 2025 midterm elections.
Ayon kay PNP Spokesperson at PRO3 RD PBGen. Jean Fajardo, kasama sa mino-monitor nila ang tatlong active PAGs sa Regions 3, 7 at 9 at 5 potential PAGs sa Regions 1, 2, CALABARZON, Region 8 at BARMM.
Babala ni Fajardo, ppwedeng ground sa pag-relieve sa pwesto ng mga director na mabibigong buwagin ang PAGs pagsapit ng Marso.
Pupwede kasing magamit sa pangha-harass ng kandidato at mga botante sa nalalapit na eleksyon ang PAGs.
Facebook Comments