PNP Chief, nagpaliwanag sa hindi pagpaparamdam matapos ang Resorts World Manila attack

72

Manila, Philippines – Hindi raw nagtago si PNP Chief Ronald Dela Rosa matapos ang Resorts World Attack.

Aniya mayroon lamang siyang importanteng ginawa.


Paliwanag niya, ito ay may kinalaman sa pagresolba sa nangyayaring terrorism attack sa bansa partikular sa Marawi City.

Matatandaang matapos ang pag-atake sa Resorts World Manila ay tila hindi na nagparamdam na si PNP Chief matapos ang naging unang mga anunsyo nito na ang suspek lamang na si Jessie Carlos ang namatay.

Pero pagkatapos ng clearing operation, dito na natukoy na halos 40 katao pala ang nasawi sa nasabing pag-atake.
DZXL558

Facebook Comments