PNP Chief, nagpasalamat sa mga rally organizer sa maayos na pagtitipon sa SONA ng Pangulo

46

Nagpasalamat si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar sa mga lider at organizer ng iba’t ibang grupo na nagsagawa ng kilos protesta kahapon sa araw ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni PNP Chief Eleazar na generally peaceful ang mga pagtitipon kahapon at walang untoward incident o pag-aresto na naganap sa Metro Manila.


Natuwa si Eleazar dahil nanaig ang matinong pag-iisip ng mga protesters at kusang nag-disperse.

Malinaw aniya na nangibabaw parin ang interes ng public health at safety kaysa sa politika.

Ayon kay Eleazar, umabot din sa 3,000 ang mga nakilahok sa mga kilos protesta sa University of the Philippines (UP) at sa Commonwealth Avenue.

Bukod dito sa National Capital Region (NCR) may mga namonitor rin na mga pagkilos ang iba’t ibang Police Regional Offices sa ilang mga malalaking lungsod sa iba’t ibang panig ng bansa pero hindi naman naka-abala sa normal na kalakaran.



Facebook Comments