PNP Chief Oscar Albayalde, tiwalang maabswelto siya sa ‘agaw-bato’ scheme

542

Tiwala si PNP Chief, Police Gen. Oscar Albayalde na maabswelto siya sa ‘agaw-bato’ scheme.

Ayon kay Albayalde, mistulang ‘trial by publicity’ ang nangyari sa kanya sa Senado.


Hinamon din niya si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na maglabas ng ebidensya na nakinabang siya sa ilegal na droga.

Nanindigan din si Albayalde na hindi siya magbibitiw hanggang sa kanyang pagreretiro sa November 8.

Hiniling din ni Albayalde sa Senado na isapubliko ang mga ibinunyag ni magalong sa Executive Session.

Ilang pangalan na ang matunog na susunod na PNP Chief, kabilang sina:

  • PNP Deputy Chief of Operations, Lt/Gen. Archie Gamboa
  • PNP Chief Directorial Staff, Lt/Gen. Camilo Cascolan
  • NCRPO Director, Major Gen. Guillermo Eleazar
  • Manila Police District Director, brig/gen. Vicente Danao Jr.

Inaasahang papangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na PNP Chief bago matapos ang buwan.




Facebook Comments