PNP Chief Ronald dela Rosa at CHR Chairman Chito Gascon, pag-uusapan ang isyu sa kampanya kontra droga

94

Manila, Philippines – Magpupulong bukas sa Camp Crame ang liderato ng Philippine National Police at Commission on Human Rights.

Ayon kay PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa, nagkita sila ni CHR Chairman Chito Gascon nitong Huwebes at nagkasundong pag-usapan ang ilang maiinit na isyu sa pulisya at sa kampanya kontra droga.

Kabilang anya sa tatalakayin nila ang umano’y extra judicial killings sa bansa maging ang pagkamatay ni Kian Loyd delos Santos.

Facebook Comments