PNP Chief Ronald Dela Rosa, dumipensa sa pagpatay ng cellphone signal sa Maynila

37

Manila, Philippines – Dumipensa si PNP Chief PD Gen. Ronald Dela rosa kaugnay sa pagpatay ng cellphone signal kahapon sa Maynila kasunod ng Quiapo twin bombing.

Ayon kay Dela Rosa – ang pagpatay ng cellphone signal sa lugar kung saan nangyari ang pagsabog ay bahagi ng kanilang isinasagawang clearing operation.

Aniya, kanilang hiniling sa mga Telcos company na patayin muna ang signal sa loob 48 na oras, dahil hindi kaya ng signal jammers.

Natapos na rin ng PNP ang kanilang post blast investigation na pipe bomb pa rin ang ginamit ng mga suspek sa pagpapasabog sa Quiapo.

Nabatid na isang PVC pipe at bulitas ang ginamit na mga components sa ginamit na Improvised Explosive Device.

DZXL558

Facebook Comments