PNP Chief Ronald Dela Rosa, itinangging magbibitiw siya sa pwesto

Manila, Philippines – Itinanggi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na magbibitiw siya sa pwesto.

Pero sakaling i-utos daw ito ng Pangulo ay susunod siya.

Kumakalat ang balita na maagang magreretiro si Dela Rosa upang magbigay daan sa pagpalit sa kanya ng kanyang number 2 man na si PNP Deputy Director General Ramon Apolinario.


Ayon sa batas, kailangang may isang taon pa sa kanyang serbisyo ang isang opisyal bago siya maitalagang PNP chief.

Sasampa sa retirement age si Apolinario sa Oktubre 2018.

Dumistansya naman sa isyu si apolinario, igagalang din daw niya ang desisyon ng Pangulo ukol rito.

Facebook Comments