PNP Chief Ronald dela Rosa, naniniwala na sangkot ang pamilya ng binatilyo na si Kian delos Santos sa ilegal na droga

182

Manila, Philippines – Naniniwala si PNP Chief Ronald dela Rosa na ginagamit ang napaslang na si Kian delos Santos ng kanyang pamilya sa kalakaran ng ilegal na droga.

Ayon kay dela Rosa – sangkot din ang pamilya ng binatilyo sa droga batay sa kanilang nakuhang intelligence information.

Dismayado rin ang PNP Chief sa kinahitnatnan ng operasyon.


Duda naman ang tiyuhin ni Kian na si Randy delos Santos sa paglutang ni Renato Loveras, alyas ‘Nonong’ na umano’y nakatransakyon ng kanyang pamangkin sa ilegal na droga.

Dahil dito, inutusan na ni dela Rosa ang PNP Internal Affairs Service na mag-imbestiga sa kaso ng pagpatay kay Kian.

Facebook Comments