PNP Chief, tiniyak na karapat-dapat na aplikante lamang ang makakapasok sa PNP

73

Nagpasalamat si Philippine National Police (PNP) Chief Pol. Gen. Guillermo Eleazar sa National Police Commission (NAPOLCOM) sa pag-apruba ng recruitment ng mahigit 17,000 bagong pulis.

Kaugnay nito, siniguro ni PNP Chief na tanging ang mga pinaka-kwalipikadong aplikante lang ang makakapasok sa Philippine National Police.


Ito’y sa pamamagitan ng paggamit ng QR o Quick Response Code sa lahat ng aplikasyon ng mga nais mag-pulis.

Paliwanag ni Eleazar na sa paggamit ng QR code, walang mukha o pangalan na makikita ang mga nagpoproseso ng aplikasyon upang matiyak na walang palakasan.

Malalaman na lang aniya ang pangalan kapag pasado na ang aplikante bilang police recruit.

Mahigpit ang paalala ng NAPOLCOM sa mga miyembro ng Screening and Selection Committee na istriktong sundin ang mga alituntunin ng recruitment process maging ang mga Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines sa community quarantine lalo’t may pandemya.



Facebook Comments