
Bibisita ngayong umaga si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III sa punong tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Quezon City.
Magsisilbi si Torre bilang panauhing pandangal sa flag-raising ceremony ng CHR ngayong umaga.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, layon ng pagbisita ni Gen. Torre sa CHR na ipaliwanag ang konteksto ng kanyang naging pahayag na “paramihan ng huli,” na umani ng negatibong reaksiyon mula sa publiko.
Naniniwala ang Pambansang Pulisya na ang courtesy visit na ito ay magsisilbing hakbang tungo sa mas bukas na dayalogo sa pagitan ng PNP at CHR.
Inaasahan ding magiging plataporma ito upang masagot ang mga pangamba ng publiko kaugnay ng mga ulat ng posibleng pag-abuso sa karapatang pantao sa mga operasyon ng pulisya.