PNP chief, umaasang sibilyang boboto sa eleksyon sa May 9

Inaasahan ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Dionardo Carlos na boboto siya bilang isang pribadong indibidwal sa May 9.

Ito ay dahil nakatakda itong magretiro sa serbisyo sa May 8, na kanyang ika 56 na kaarawan at isang araw bago ang eleksyon.

Pero kung may utos aniya na ma-extend siya awtomatiko raw na magtatatrabaho pa siya.


Ngunit meron na raw siyang plano para sa kanyang “civilian career” pagkatapos ng kanyang serbisyo sa PNP.

Gayunpaman, sinabi ni Carlos na bilang miyembro ng unipormadong hanay, susundin niya ang anumang utos na galing sa Itaas.

Facebook Comments