PNP-CIDG, patuloy sa pagkalap ng ebidensya para malutas ang kaso ng mga nawawalang sabungero

Tiniyak ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na hindi nila tatantanan ang kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ayon kay CIDG Director PBGen. Ronald Lee, isa sa mga prayoridad ng CIDG ang kaso ng mga nawawalang sabungero.

Paliwanag ni Lee, sa ngayon ay puspusan ang paghahanap nila ng mga karagdagang ebidensya at mga testigo na makalatulong sa pagresolba ng kaso.


Matatandaang kahapon, inilibas ng CIDG ang computerized facial composite sketch ng 2 suspek sa “secret cellphone video” na sangkot sa pagdukot sa isa mga nawawalang sabungero.

Itinuturing ito na breakthrough ng CIDG dahil malaking tulong ito para matukoy ang mga nasa likod ng pagdukot ng mga sabungero.

Facebook Comments