PNP-CITF, nagsagawa ng background check sa sinibak na commander ng U-Belt Area precinct na si Police Chief Inspector Nazario

240

Manila, Philippines – Nagsasagawa na ng background check ang PNP Counter Intelligence Task Force sa sinibak na commander ng University Belt Area police community precinct na si Police Chief Inspector Ramon Nazario.

Sinabi ni PNP-CITF Chief Jose Chiquito Malayo, layon nitong malaman kung may record ito o nasangkot na ba ito extortion o pangongotong.

Ayon kay Malayo, malaki ang maitutulong nito sa isinasagang imbestigasyon kay Nazario na sinasabing binabagsakan ng mga nakokolekta sa U-Belt Area.


Pinaalalahanan naman ni Malayo ang iba pang kapulisan lalo na ang mga nasasangkot sa mga iligal na gawain.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments