PNP Counter Intelligence Task Force, naka- aresto na nang siyam na police scalawags

79

Manila, Philippines – Siyam na police officers na ang naaresto ng binuong Counter Intelligence Task Group o CITF ng PNP

Ito ang kinumpirma ni CITF head Sr. Supt. Chiquito Malayo simula ng mabuo ang kanilang grupo noong ika-30 ng Enero taong kasalukuyan.

Kasunod ito ng pagbuwag sa Anti Illegal Drugs Group o AIDG dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian ng ilan nitong mga miyembro at kaugnay sa ikinakasang internal cleansing ng Pambansang Pulisya.

Kabilang sa siyam na ito ang dalawang pulis na sina PO3 Anthony Tecson at SPO2 Raul Nadera na naaktuhang nangongotong sa mga motorista sa Payatas, Quezon City kaninang maga-alas dos ng hapon.

Karamihan sa mga naarestong pulis na ito ay nasampahan na kasong robbery extortion.

Kinumpirma din ni Malayo na maliban sa syam na pulis na naaresto, mayroon pang mga pulis ang direktang inireklamo sa tanggapan ng CITF.

Facebook Comments