Naging maayos at mapayapa umano ang mga bus terminals sa Dagupan City noong Semana Santa ayon sa Dagupan City Police Station.
Ayon kay PCPL Mae Dyan Soriano Cobrador, wala umanong naitalang insidente ng kaguluhan at pagnanakaw sa mga bus terminals kasagsagan dagsa ng mga biyahero simula Miyerkules.
Naging maagap din umano ang pagsunod sa terminal regulations dahil wala umanong nahuli o narekober na mga ipinagbabawal na gamit tulad ng alak at patalim.
Patuloy pa rin na dinagsa ng mga biyahero ang nga bus terminal sa Dagupan City kahapon sa pagbabalik ng mga nagsi uwi para sa Semana Santa.
Kaugnay nito, tiniyak ng tanggapan ang patuloy na pagpapatrolya sa mga pampublikong lugar para sa kaayusan at at seguridad ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments