PNP-Drug Enforcement Group, tutukan ang mga resort at party area ngayong bakasyon

77

Manila, Philippines – Tutukan ng PNP-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ang mga resort at party area ngayong panahon ng bakasyon.

Sa isang prescon dito sa Camp Crame Sinabi PNP-DEG Dir. Sr. Supt. Graciano Mijares na dahil bakasyon at panahon ng party kaya tutukan nila ang mga party area tulad ng mga beaches na posibleng bagsakan ng iligal na droga tulad ng ecstasy.

Ginawa ni Mijares ang pahayag kasunod ng pagkaka-aresto sa isang Korean-American na nahulihan ng nsa 140 piraso ng tabletas ng ecstasy na nagkakahalaga ng mahigit sa 400 libong piso sa Pasay.

Sinabi pa ni Mijares na galing ng Cebu ang suspek na si Jun No bago naaresto sa Pasay.

Posible aniyang pinagbabaksakan ng droga ni Jun ang ilang mga casino sa Cebu maging ang mga concert ground.
Nation”

Facebook Comments