PNP Echague, Nominado Bilang “Best Police Station” sa Bansa!

257

*Echague, Isabela*- Nominado ang PNP Echague sa Best Police Station ng Pilipinas matapos bisitahin nang field evaluation team ng Police Regional Office 2 (PRO2) at ginawaran bilang Best Police Station ng rehiyon sa municipal level category.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Andy Orilla, hepe ng PNP Echague, kaniyang ibinahagi na bumisita din noong July 9, 2019 sa kanilang himpilan ang ilang matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya mula sa Kampo Krame para sa ebalwasyon at balidasyon sa mga PNP Offices na kung saan tiningnan at ni-review nila ang mga records at dokumento ng bawat departamento ng himpilan.


Nakita umano ang magandang pamamahala at kahandaan ng tanggapan sa pagsugpo ng krimen, mabawasan ang insurhensiya, maayos na traffic situation, mabuting pakikitungo sa mga mamamayan at mahusay na pagpapatupad sa tungkulin ng mga tauhan nito.

Inilunsad ang “Search for Best Police Station in the Philippines” ng pamunuan ng Philippine National Police upang makilala ang mga natatanging himpilan ng kapulisan sa bansa at mahikayat ang kapulisan na paghusayan ang kanilang performance sa pagpapatupad ng epektibong programa ng ahensiya.

Tatayong kinatawan ang PNP Echague para sa rehiyon dos sa nasabing kompetisyon bago ang nakatakdang anibersaryo ng PNP sa Agosto 18.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng anibersaryo ng ika- 118th Police Service at makakatunggali ng PNP Echague ang kapwa nila nominado mula sa Mariveles Police Station ng Region 3 at Sto. Domingo Police Station ng Ilocos Sur para sa Region 1.

Facebook Comments

From Advertisers