PNP – handa na para sa Oplan Ligtas Summer Vacatio n 2017, mahigit 70,000 pulis – ipapakalat

Manila, Philippines – Kasunod ng pagsisimula ng bakasyon, handa na ang Philippine National Police sa pagsisimula ng Oplan Ligtas Sumvac 2017 sa Abril a-tres.

 

Ayon kay PNP Directorate for Operations, Public Safety Office Division Chief Sr/Supt. Eugene Paguirigan – aabot sa 65,000 hanggang 70,000 na mga uniformed police ang ipapakalat ng pnp sa iba’t ibang panig ng bansa bilang bahagi ng Oplan Ligtas Sumvac 2017.

 

Hindi pa kabilang aniya dito ang nasa 92,000 na mga force multipliers na tutulong sa mga pulis.

 

Pangunahing target ng Oplan Ligtas Sumvac 2017 ang mga lugar na dadagsain ng mga tao tulad ng mga bus terminal, airport, pantalan kabilang din ang mga simbahan, malls at palengke.



Facebook Comments