PNP, handang bigyan ng seguridad ang suspendidong BuCor Chief Gen. Bantag

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na magbigay ng seguridad sa suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) Chief Director General Gerald Bantag.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, maliban kay Bantag ay handa rin silang bigyan ng seguridad ang iba pang dawit sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Pero ayon kay Fajardo, gagawin lamang ito ng PNP sa oras na sumuko ang mga ito ng boluntaryo at makipagtulungan sa mga awtoridad.


Samantala, nilinaw ni Fajardo na walang magiging special o VIP treatment na igagawad kay Bantag.

Noong Lunes ay matatandaang pormal nang sinampahan ng kaso ng PNP at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga suspek kasama si Bantag, BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta at iba pa na ikinanta ng self-confessed gunman na si Joel Escorial.

Facebook Comments