PNP, handang maglagay ng pulis sa VP security sa kabila ng AFP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa silang maglaan ng mga pulis para sa seguridad ni Vice President Sara Duterte, kahit pa dumaan na sa reorganization ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG).

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, nananatiling naka-deploy ang 25 pulis sa unit na itinalaga para sa seguridad ng Bise Presidente at hindi sila “winithdraw” gaya ng mga lumalabas na ulat.

Ito’y kasunod ng pag-apruba ng Department of National Defense (DND) sa pagbabalik ng VPSPG bilang bahagi na muli ng AFP Security and Protection Group simula Pebrero.

Inamin ni Fajardo na underutilized o hindi lubusang nagagamit ang mga pulis na naka-assign sa VPSPG, pero patuloy pa rin ang kanilang reporting sa Kampo Aguinaldo.

Ginawa ni Fajardo ang pahayag ilang araw bago bumalik sa bansa si VP Sara Duterte mula sa ilang linggong pananatili sa The Hague, kung saan inasikaso niya ang kaso ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang noong nakaraang taon ay pinalitan ng PNP ang 75 tauhan nitong nakatalaga noon sa VPSPG.

Facebook Comments