PNP Health Service Director at kanyang command group, pinakaunang binakunahan ng Sinovac vaccine sa PNP

31

Unang binakunahan si Philippine National Police Health Service Director PBgen. Luisito Magnaye at ang kanyang Command group ng Sinovac vaccine sa Camp Crame ngayong araw.

Ayon kay PNP Chief PGen. Debold Sinas, siya sana ang unang magpapaturok ngunit utos ng Department of Health na mga health workers ang unang mabakunahan sa first batch ng bakuna na dumating galing China.


Kanina bago ang vaccination ay dumaan sa registration, pre-vaccination counselling and consent, screening, vaccination program at monitoring ang mga binakunahan.

Ginawa ang kauna unahang vaccination sa PNP o ang symbolic vaccination sa Multi-Purpose Center ng Camp Crame ngunit ang iba pang mga pulis na babakunahan ay gagawin na mismo sa PNP General Hospital.

Facebook Comments