PNP, hindi magdadalawang isip na gumamit ng pwersa kapag may manggugulong mga raliyista

61

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na gumamit ng pwersa saka-sakaling may mga manggugulong raliyista.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, ito ay kung sasaktan ng mga militante ang mga pulis, hahablutin ang kanilang police shield at manggugulo sa ikakasa nilang kaliwa’t kanang pagkilos kasabay nang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sinabi pa ni Fajardo na hindi rin magdadalawang isip ang PNP na arestuhin ang mga bayolenteng raliyista kapag sila ay lumabag sa batas.


Pero pinanghahawakan aniya ng kapulisan ang commitment ng mga nakadayalogo nilang lider ng mga militanteng grupo na idaraos nang payapa ang kanilang mga kilos protesta.

Kasabay nito, tiniyak ni Fajardo na ipatutupad ng Pambansang Pulisya ang maximum tolerance.

Facebook Comments