PNP, hindi masama ang loob matapos alisin ang pagsasagawa ng anti-illegal drugs operation

61

Manila, Philippines – Hindi masama loob ng Philippine National Police matapos na ipag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanging Philippine Drug Enforcement Agency O PDEA na lamang ang gagawa ng mga anti-illegal drugs operations.

Ayon kay PNP Spokespesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos susundin lamang nila ang utos ng kanilang Commander in Chief.

Sa ngayon aniya itutuon lamang nila ang kanilang trabaho sa anti criminality operations at internal cleansing sa buong hanay ng Philippine National Police.

Habang tiniyak din ng PNP na buo ang kanilang magiging suporta sa PDEA kung kakailanganin ang tulong ng PNP.

Sa official order ng pangulo maging ang hanay ng Armed Forces of the Phil. at, National Bureau of Investigation, Bureau of Customs at Philippine Postal Office ay tatanggalin na sa pagsasagawa ng anti-illegal drugs operations.

Facebook Comments