PNP, hindi nagpapaka kampante sa kabila nang pagbaba ng krimen sa bansa

Hindi nagpapakumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) kahit bumababa ang bilang ng krimen sa bansa.

Iniulat ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, na base sa statistics mula January 1 hanggang April 1, may pagbaba na 21.60% pagdating sa focus crimes kumpara sa kaparehong panahon noong 2023.

Sa kabila aniya nito, ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga regional commander at directors ng PNP support units na pag-aralan kung paano pa mapapababa ang krimen sa bansa.


Nagsasagawa na rin ng crime mapping ang PNP para malaman kung saan madalas at kailan naitatala ang mga focus crime para sa adjustment ng deployment ng mga pulis.

Facebook Comments