
Nirerespeto ng Philippine National Police (PNP) ang karapatan ng sinuman para i-correct at punahin ang kanilang mga tauhan at organisasyon lalo na kung ito ay may paglabag.
Gayunpaman, binigyang-diin ng PNP na dapat idaan ito sa tamang proseso at forum kagaya ng Internal Affairs Service at National Police Commission (NAPOLCOM) na siyang humahawak sa mga posibleng kakarahaping parusa sa mga pulis na nagkamali.
Dagdag pa ni Co, kung idaan man ito sa social media ay dapat na may consent ng taong sangkot.
Hindi man direktang pinatungkulan ni Co, ang nag-viral kamakailan sa social media na pagsita ng dating opisyal ng PNP at dati ring congressman sa mga pulis sa checkpoint, kung saan pinaayos niya ang hanay ng mga ito at pinag-ahit ng balbas at bigote.
Ayon kay Co, hindi dapat na nakaka-abala sa lehitimong trabaho ng mga pulis ang kahalintulad na check on-the-spot na isinagawa sa mga tauhan ng pulisya.
Kaugnay nito, pinag-aaralan na ng PNP ang legal na remedyo para sa apektadong pulis.










