PNP, hinimok ang publikong huwag maglabas ng hindi pa beripikadong impormasyon sa pagkamatay ng flight attendant sa Makati City

143

Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na huwag munang maglabas ng mga hindi pa beripikadong impormasyon kaugnay sa pagkamatay ni Christine Dacera.

Ayon kay PNP Spokesman Brigadier General Ildebrandi Usana, lalo lamang nitong paguguluhin ang imbestigasyon.


Sa ngayon, hawak na ng PNP ang kopya ng CCTV sa hotel habang inaasahan namang mailalabas ngayong araw ang autopsy report.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamunuan ng Philippine Airlines sa pamilya Dacera.

Facebook Comments