PNP, hinimok si Daraga mayor na isuko ang kaniyang mga baril

189

Hinimok ng Philippine National Police Firearms and Explosive Office (PNP-FEO) si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na isuko na niya ang kaniyang mga baril.

Ito ay matapos ipakansela ni PNP Director General Oscar Albayalde ang License to Own and Possess Firearms o LTOPF at Permit to Carry Firearms Outside Residence o PTCFOR ni Baldo.


Ayon kay PNP-FEO Chief Superintendent Valeriano De Leon, nagpadala na sila ng sulat kay Baldo na nag-uutos na isuko na niya ang kaniyang mga armas.

Facebook Comments

From Advertisers