PNP-HPG, naghahanda na sa pagpapatupad ng doble plaka law

Naghahanda na ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) para sa pagpapatupad ng batas na layong magkaroon ng malaking plaka ang mga motorsiklo.

Ito ay ang Republic Act no. 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act.

Ayon kay PNP-HPG Director, Chief Superintendent – Roberto Fajardo – malaki ang maitutulong ng batas upang mapigilan ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga motorcycle-riding suspects.


Dagdag pa ni Fajardo – wala nang makapipigil sa kanila na ipatupad ang batas lalo at aprubado na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang kopya ng bagong batas ay inilathala sa official gazette noong March 14 at magiging epektibo 15-araw pagkatapos ito mailathala.

Facebook Comments