PNP-HPG, tutulong para matupad ang 5 minutong Cubao-Makati trip

16

Handa ang PNP–Highway Patrol Group na maipatupad ang pangakong limang minutong biyahe mula Cubao hanggang Makati City ni Pangulong Duterte.

Ayon kay PNP-HPG Director Brig. Gen. Roberto Fajardo – kabilang sa pinag-aaralan nila ay ang paglilipat ng motorcycle lane sa 3rd lane mula sa kasalukuyang 4th o fast lane.


Bukod dito, wala na ring pahihintulutang bus terminal sa EDSA.

Pero kung mayroon mang pinakaapektibong paraan para maisakatuparan ito ay ang disiplina at mahigpit na pagpapatupad ng batas-trapiko.

Kaugnay nito, nakikipagtulungan na ang PNP-HPG sa i-ACT, MMDA, LTFRB, LTO at DOTr para malaman kung kailan ipapatupad ang mga karagdagang patakarang ito.

Pagtitiyak pa ni Fajardo – simula pa lang ito ng mga pagbabago at marami pa silang gagawin adjustment para maabot ang 5-minute challenge kahit bago mag-Disyembre.

Facebook Comments

From Advertisers