PNP, humingi na ng sorry sa delivey rider na nabaril sa pakikipaghabulan sa sasakyan ng aktor na si Jake Cuenca

58

Humingi ng paumanhin si Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa delivery driver na nabaril ng mga pulis na humahabol sa sasakyan ng aktor na si Jake Cuenca nitong sabado.

Ayon kay Eleazar, tumanggap na ng medikal na atensiyon ang biktima para sa paggaling nito.


Desisyon naman nito kung magsasampa ng kaso laban sa mga pulis na nakabaril sa kaniya.

Sa ngayon, nagpaabot na rin ng tulong ang pamunuan ng Eastern Police District at Mandaluyong City Police sa pamilya ng biktima at humingi ng sorry sa mga ito.

Matatandaang nitong Sabado, naganap ang paghabol ng mga tauhan ng PNP sa sasakyan ni Jake matapos nitong mabangga ang isang police vehicle na hindi naman huminto kaya napagdesisyunang paputukan ng mga pulis.

Facebook Comments